MENU

Mahigit 5,400 pasahero na ang naserbisyuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa "LIBRENG SAKAY" para sa mga pasahero sa Metro Manila!

Nagsimula ang programa noong ika-20 ng Disyembre 2022 at tatagal hanggang bukas, ika-06 ng Enero 2023.

Nag-uumpisa ang libreng sakay ng dalawang PCG bus mula 5PM hanggang 10PM.

May pagkakataong inaabot ito hanggang 4AM ng sumunod na araw dahil sa dagsa ng mga pasaherong nagsisiuwian.

Bumibiyahe ang mga PCG bus mula PITX papuntang Monumento at balikan.

Ito ay para makatulong sa ating mga kababayan na kinakailangang bumiyahe araw-araw para sa kanilang pag-aaral at trabaho.

Most Read