Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ligtas na pagpapauwi sa panibagong batch ng mga indigenous people (IP) ng Jolo, Sulu, at Tawi-Tawi sa Zamboanga City Port kahapon, ika-05 ng Enero 2023.
Ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao, umabot na sa 200 IPs mula Maynila ang nakabalik ng kani-kanilang komunidad sa Mindanao.
Nagsimula ang operasyong ito noong Disyembre 2022.
Katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang PCG para labanan ang pang-aabuso sa mga IPs ng Zamboanga region, sa pamamagitan ng pamamalimos sa mga kalsada ng Maynila.