Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), nasabat ng mga otoridad ang ISANG CONTAINER VAN na naglalaman ng "undeclared agricultural products" sa Manila International Container Terminal sa Tondo, Maynila, noong ika-04 ng Enero 2023.
Sa isinagawang inspeksyon, nakita rito ang kahung-kahong pulang sibuyas at carrot na nagkakahalaga ng HALOS ₱8 MILYON (Php 7,860,300).
Inirekomenda ang paghahain ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang container van.