Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas, umabot na sa CALUYA, ANTIQUE ang OIL SPILL kasunod ng paglubog ng MT PRINCESS EMPRESS sa Naujan, Oriental Mindoro, noong ika-28 ng Pebrero 2023.
Ngayong araw, ika-04 ng Marso 2023, na-monitor ang OIL SPILL sa baybay-dagat ng mga sumusunod na barangay sa Caluya:
1) Sitio Sabang, Brgy. Tinogboc (1km)
2) Liwagao Island, Brgy. Sibolo (2km)
3) Sitio Tambak, Brgy. Semirara (2km)
Sa mga oras na ito, isinasagawa na ang SHORELINE CLEAN-UP sa mga apektadong lugar.
Samantala, ayon sa LGU ng Liwagao Island, humigit-kumulang 600 residente o 150 pamilya ang apektado ng nasabing insidente.
[Progress report to follow]