Patuloy ang SEARCH AND RESCUE (SAR) OPERATION ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang helicopter na "YELLOW BEE.β
Kahapon, ika-06 ng Marso 2023, nilibot ng PCG SAR team ang mga katubigang sakop ng mga isla ng Candaraman, Canibungan, Matangule, Sebaring, at Bugsuk sa Palawan.
Nilapitan ng PCG SAR team ang mga lokal na mangingisda para malaman kung may napansin silang palutang-lutang na gamit o kahina-hinalang insidente na maaaring may kaugnayan sa hinahanap na helicopter.
Noong ika-01 ng Marso 2023, nakipag-ugnayan ang Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) sa PCG matapos mawalan ng contact sa YELLOW BEE na may sakay na pasyente mula Mangsee Island papuntang Brookeβs Point.
[Progress report to follow]