MENU

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa banggaan ng LCT BATO TWIN I at MT PETRO HELEN sa Port of Amlan, Negros Oriental, ngayong araw, ika-07 ng Marso 2023.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng PCG na naganap ang aksidente habang nag-ma-maneobra ang LCT BATO TWIN I.

Nabangga nito ang MT PETRO HELEN dahil sa malakas na hangin at alon.

Napinsala ang "port side railings" ng LCT BATO TWIN I, habang nagasgasan naman ang "bow" ng MT PETRO HELEN.

Walang nasaktan sa naturang aksidente at hindi ito nagdulot ng oil spill.

Tumulong ang PCG sa pag-uusap ng kapitan ng dalawang sasakyang pandagat para maresolba ang insidente. Β 

Most Read