MENU

Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 377 all-female trainees ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 97-2022 “Alab Hiraya" sa Poro Point, San Fernando City, La Union, kahapon, ika-14 ng Marso 2023.

Pinangunahan ni Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC) Deputy Commander, CG Commodore Roben De Guzman, ang kanilang recognition rites sa PCG Regional Training Center-La Union.

Sa kanyang mensahe, binati ni CG Commodore De Guzman ang mga trainees na napagtagumpayan ang unang bahagi ng pagsasanay tungo sa pagiging future Coast Guardians.

Ipinahayag din niya ang kaniyang tiwala sa mga drill instructors at training dtaff na patuloy na magabayan ang mga trainees hanggang sa matapos ang Coast Guard training.

“Continually remind them to be responsible and accountable for their action. Gabayan at papaalalahanan natin sila palagi na maging mabuting mamamayan, na maging mabuting anak, maging mabuting kapatid na maglilingkod sa sambayanang Pilipino,” ani CG Commodore De Guzman.

Nakibahagi rin sa seremonyang ito ang ilang pamilya at mahal sa buhay ng CGNOC Class 97-2022. Naging emosyonal ang mga ito nang muling makita at mayakap ang mga Coast Guard trainees na ilang buwan nilang hindi nakasama.

 

https://www.facebook.com/CoastGuardDistrictNorthWesternLuzon/posts/583545370476918