MENU

Taos-pusong pasasalamat ang iginawad ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa Philippine Coast Guard (PCG), mga kawani ng gobyerno, at mga volunteers ng nagpapatuloy na oil spill response operations sa probinsya.

Kinilala rin niya ang pagseserbisyo ng mga donors, international agencies, at iba pang kapulungan ng mga mambabatas na nagpaabot ng tulong, pati mga media partners na nakiisa sa wasto at patas na pagbabalita tungkol sa oil spill.

Naganap ito sa Oriental Mindoro Provincial Capitol kahapon, ika-30 ng Marso 2023.

Pinasalamatan niya ang liderato ng PCG sa pangunguna ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu; Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr; Coast Guard District Southern Luzon Commander, CG Commodore Inocencio Rosario Jr; at Oriental Mindoro Station Commander, CG Ferdinand Allan Joseph Abinoja.

Kinilala rin ni Governor Dolor ang kagitingan ni incident Management Team Oriental Mindoro Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla.

"Kahit saang laban, the most important thing there is RELATIONSHIP. Kapag nakapag-establish ng magandang relasyon sa isa't-isa, talagang mas epektibo tayong magtrabaho," ayon kay CG Commodore Tuvilla.

Ipinaabot naman ni CG Commodore Tuvilla ang pasasalamat sa suportang ibinigay ni Governor Dolor at sa panunungkulan nito na naging daan sa pagbubuklod ng mga ahensya para lalong pagbutihin ang pagsasakatuparan ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Dumalo rin dito sila Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon; Naujan Mayor Joel Teves; DENR Regional Director Lormelyn Claudio; Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Vinscent Gahol, at Colonel Jose Augusto Villareal ng PNP Southern Luzon Command.

KARAGDAGANG DETALYE: http://surl.li/fydkt

Most Read