Narito ang sitwasyon sa Manila North Harbor Port ngayong Lunes Santo, ika-03 ng Abril 2023.
Kaninang umaga, binisita ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang naturang pantalan para siguruhing maayos atΒ ligtas ang mga pasahero sa tulong ng mga PCG personnel na nagbabantay sa port passenger terminal at iba pang pasilidad ng Manila North Harbor Port.
Kasama rin dito sina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Maritime Julius Yano at PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan.
Mamayang 12NN, bibiyahe ang isang barko papuntang Cebu City at Butuan City.
Susundan naman ito ng isa pang biyahe papuntang Dumaguete City, Dipolog City, at Zamboanga City mamayang 10PM.
Naka-heightened alert ang PCG hanggang ika-10 ng Abril 2023 bilang pakikibahagi sa OPLAN BIYAHENG AYOS: SEMANA SANTA 2023.