MENU

Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong #SemanaSanta2023!

Ngayong Martes Santo, ika-04 ng Abril 2023, nakibahagi ang mga Coast Guard K9 teams at security personnel sa send-off ceremony ng mga "security contingent" na magbabantay sa NAIA ngayong Linggo kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.

Liban sa PCG, may kinatawan din sa pinakamalaking paliparan sa bansa ang Office for Transportation Security (OTS), Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), at Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang inisiyatibong ito ay bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023 na pinangungunahan ng Department of Transportation (DOTr).

Most Read