MENU

Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang sakay ng isang bangkang lumubog sa katubigan ng San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon, kahapon, 10 Abril 2023.

Kinilala silang sina Clemente Duran (40 taong gulang) at Jackson Gonzaga (34 na taong gulang) na mga residente ng Lucena City, Quezon.

Kwento nila, napasukan ng tubig ang kanilang bangka dahil sa malakas na alon, hanggang sa tuluyan itong lumubog.

Nakahingi sila ng tulong sa PCG gamit ang kanilang mobile phone, kaya agad na nakapaglunsad SAR operations at nasiguro ang kanilang kaligtasan.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=172562255653246&id=100086984169167

Most Read