UPDATE: Dalawampu’t walong (28) indibidwal na nakaligtas sa lumubog na M/Y Dream Keeper sa karagatang sakop ng Tubbataha Reef, nakarating na sa Puerto Princesa City sakay ng BRP Melchora Aquino!
Pinangunahan ni CG Captain Dennis Rem Labay ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ang pagsalubong sa kanila.
Kasalukuyan pa ring hinahanap ng joint SAR team ang apat na nawawalang indibidwal.
Kinabibilangan ito ng may-ari ng yate (Chinese), dalawang pasahero (Pilipino), at isang dive master (Pilipino).
https://www.facebook.com/100067822296070/posts/578291311108274/?mibextid=Nif5oz