Asahan ang mas mabilis na pag-responde ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Marikina tuwing may sama ng panahon!
Kamakailan, binisita ni Coast Guard District National Capital Region - Central Luzon Commander, CG Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio, si Marikina Mayor Marcelino Teodoro para pag-usapan ang itatayong PCG BUILDING AND TYPHOON RESPONSE FACILITY sa siyudad.
Ayon kay CG Rear Admiral Cornelio, ang 50 MILYONG PISONG PONDO para sa naturang proyekto ay magmumula sa Department of Public Works and Highways-United Project Management Office-Flood Control Management Cluster (DPWH-UPMO-FCMC).
"This will allow the PCG to respond quickly in Marikina City during the typhoon season. This will be a strategic platform of waterborne search and rescue operations readily made available, as deemed necessary by the MarikeΓ±os," dagdag pa ni CG Rear Admiral Cornelio.
Bilang pagkilala sa suporta ng Marikina, katuwang ang Coast Guard K9 Team NCR sa pagsisiguro ng kaligtasan at seguridad tuwing may mahahalagang aktibidad sa siyudad.
Tumutulong din ang PCG sa pagsasagawa ng "water quality monitoring" sa Marikina River para maitaguyod ang kalusugan ng mga residente at maingatan ang yamang tubig ng siyudad.