Naging matagumpay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglalagay ng karagdagang "navigational buoys" o boya sa Kalayaan Group of Islands (KIG) na sakop ng West Philippine Sea (WPS)!
Kabilang dito ang Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island, at Julian Felipe Reef.
Ayon kay PCG Maritime Safety Services Commander, CG Vice Admiral Joseph Coyme, nagsisilbi itong gabay ng mga Pilipinong mangingisda at malalaking barko na naglalayag sa WPS.
Aniya, maituturing din itong "sovereign markers" sa KIG na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.