Ngayong araw, ika-29 ng Mayo 2023, inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsisimula ng "siphoning" o paghigop sa natitirang langis sa lumubog na MT Princess Empress sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Kaninang 9AM, dumating sa Calapan Anchorage Area ang Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal kung saan isinagawa ang boarding formalities.
Pagkatapos nito, agad na pinuntahan ng naturang barko ang operational area para simulan ang paghigop sa natitirang langis sa lumubog na motor tanker noong ika-28 ng Pebrero 2023.
Ayon kay Incident Management Team-Oriental Mindoro (IMT-Ormin) Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, aabutin ng 20 hanggang 30 araw ang naturang operasyon, depende sa lagay ng panahon at "subsea progress."
"Once the oil removal is completed, we hope that the process will pave the way for the rehabilitation of affected areas and finally transition to the normalcy of lives of affected MindoreΓ±os," ani CG Commodore Tuvilla.Β Β
Ang DSV Fire Opal ay "chartered" ng Malayan Towage and Salvage Corporation at kinontrata naman ng Protection and Indemnity Insurance Club.
Naglayag ito mula Singapore noong ika-19 ng Mayo 2023 at nakarating sa Subic Bay Freeport Zone noong ika-26 ng Mayo 2023, bago dumiretso sa katubigan ng Oriental Mindoro.