MENU

Dalawang hinihinalang illegal recruiter ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Binuangan, Isabela City, Basilan, bandang 07:15PM kahapon, ika-29 ng Mayo 2023.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Yazier Tanji Balling, 32 taong gulang na residente ng Barangay Kaumpurnah Zone 1, Isabela City, at kanyang kasabwat na si Rodel Alegre Lagayan, 44 na taong gulang na residente ng Barangay Lapiedad, Isabela City.

Sa isinagawang entrapment operation, naaktuhan ng mga otoridad ang personal na pagtanggap ng mga suspek sa "marked money" na nagkakahalaga ng β‚±91,000 mula sa mga nagpanggap bilang aplikante ng PCG.

Nakuha mula kay Balling at Lagayan ang patung-patong na PCG application folders, isang cellular phone, at isang sling bag kung saan inilagay ang "marked money."

Dinala sila sa Isabela City Police Station para sa paghahain ng karampatang kaso dahil sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (Estafa).

Panawagan ng PCG sa mga aplikante, i-report sa Coast Guard Human Resource Management Command (0935-782-2386) o sa Coast Guard Intelligence Force (0926-628-4519) ang sinumang lalapit sa para asikasuhin ang kanilang aplikasyon kapalit ng pera para sa agarang aksyon.

Most Read