MENU

Hinihikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Filipino nurses na maging bahagi ng serbisyo!

Kasabay ng nationwide recruitment ngayong 2023, bukas ang Coast Guard Nursing Service sa mga Filipino nurses na Pasado sa Philippine Nurse Licensure Examination edad 21 hanggang 28 taong gulang

Kabilang din sa mahahalagang kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

 

- Good moral character

- Single

- At least 5'0'' in height

- Physically and mentally fit

Pagkatapos ng Coast Guard training, matatanggap nila ang ranggong 𝐄𝐍𝐒𝐈𝐆𝐍 na may basic salary na humigit-kumulang ₱𝟒𝟒,𝟎𝟎𝟎 at iba pang allowances. Bahagi rin nito ang mga medical and dental benefits mula sa organisasyon.

Sa mga nais maging bahagi ng Coast Guard Nursing Service, ihanda ang mga sumusunod na dokumento:

- Application form (https://shorturl.at/ozUWZ)

- PSA Birth Certificate

- NBI Clearance

- Diploma

- Transcript of Records

- 4R Colored full body picture (white polo shirt, maong pants, with all ten fingers visible)

Ilagay ang mga ito sa isang 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐇𝐈𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐋𝐃𝐄𝐑 (𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐓𝐀𝐁𝐁𝐈𝐍𝐆𝐒) at personal na dalhin sa opisina ng Coast Guard Nursing Service na matatagpuan sa Coast Guard Base Taguig, #56 M.L. Quezon Street, New Lower Bicutan, Taguig City.

Maaaring magpadala ng aplikasyon hanggang Lunes, ika-19 ng Hunyo 2023.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid027sM6MQV6iwpzmXTYxxMwpbw86ZHUa7jSoRRnTbDzjUzuC2c5Z9DMTv2zneYTvxEPl&id=100090074719172