MENU

Nakarating na sa Barangay Calumpang, General Santos City ang 14 na crew ng FB GENESIS 2 sakay ng FB RYAN ROMUALD 88 bandang 1PM kahapon, ika-25 ng Hunyo 2023.

Kasama rin nila ang tatlong crew na binawian ng buhay dahil sa paglubog ng kanilang bangkang pangisda 182 NM sa Baganga, Davao Oriental noong ika-22 ng Hunyo 2023.

Nakipag-ugnayan naman ang Ogdi Fishing Company sa pamilya at mga mahal sa buhay ng tatlong crew. Dinala ang kanilang mga labi sa pinakamalapit na punerarya.

Ayon sa PCG District Southeastern Mindanao kaninang 3:30AM, ika-26 ng Hunyo 2023, nagpapatuloy ang search and rescue (SAR) operations para sa anim pang crew ng FB GENESIS 2.

Most Read