MENU

Natagpuan na ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan, kahapon, ika-30 ng Hulyo 2023.

Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island.

Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa naturang isla.

Samantala, nagpapatuloy naman ang malawakang aerial at surface search and rescue (SAR) operations para mahanap ang apat na PCG rescuers na nawala sa kasagsagan ng Bagyong #EgayPH noong ika-26 ng Hulyo 2023.

Β 

BASAHIN ANG INITIAL REPORT DITO: https://www.facebook.com/coastguardph/posts/pfbid0SVF7yBs1vmSPKMiutA22wsbV99Vj48cwaz8Av5EWiVPk559zMFVKoLpHhde5zMWZl

Most Read