MENU

Nakatanggap ang Coast Guard District Palawan ng impormasyon tungkol sa dalawang mangingisdang nawawala sa West Philippine Sea noong 26 Oktubre 2023 mula sa Naval Forces West. Agad namang pinadala ang BRP Sindangan (MRRV 4407) upang tumulong sa paghahanap.

Ayon sa nakalap na impormasyon, 10:00AM ng 25 Oktubre 2023, nangingisda ang FB Lantis Andrei malapit sa Bulig o First Thomas Shoal, West Philippine Sea, kasama ang isang maliit na bangka (kulay dilaw) na may dalawang sakay na mangingisda. Bandang tanghali o 12:20PM, napansin ng Kapitan ng FB Lantis Andrei na hindi na nya makita ang maliit na bangka. Agad nya itong hinanap ngunit hindi nya makita.

Kanina, 27 Oktubre 2023, tagumpay namang nasagip ng MRRV 4407 ang dalawang mangingisda at binigyan ng medical assistance, pagkain at tubig.

Most Read