Sabay-sabay na nag-DUCK, COVER, AND HOLD ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel bilang pakikibahagi sa 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa National Headquarters, Port Area, Manila, ngayong araw, ika-09 ng Nobyembre 2023.
Sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), layon ng NSED na masiguro ang kaligtasan ng bawat Pilipino tuwing may insidente ng lindol.
Liban sa safety protocol, nagsagawa rin ng medical evacuation at fire drill ang mga PCG personnel.
Kasabay ng 4th Quarter NSED, ginunita rin PCG ang World Tsunami Awareness Day (WTAD) na layong palawakin ang kahandaan ng mga Pilipino tuwing may tsunami na kadalasang nangyayari kasunod ng lindol.
Ayon sa World Health Organization (WHO) noong 2019, mahigit 700 milyong naninirahan sa mga isla at malapit sa baybay-dagat ang pinaka-apektado ng naturang sakuna.