MENU

Kasabay ng pagpapatrolya, namahagi ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ng tig-li-limang kilong bigas sa mga mangingisdang pumalaot sa katubigang sakop ng Placer, Surigao del Norte, kahapon, ika-24 ng Disyembre 2023.

Bahagi ng naturang inisiyatibo ang Barangay Sani-sani, Barangay Lakandula, at Barangay Amoslog.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Placer, layon nitong iparamdam sa mga mangingisda ang simbolo ng kapaskuhan na nakasentro sa pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

https://www.facebook.com/CGSSurigaodelNorte/posts/pfbid0zinVoAjGzgGgekjUtxUwuBjVH9z3mhKVZd9s3qQmmw5ZT8JhnLUU61hQASD54wBcl

Most Read