Bumiyahe ngayong umaga ika-26 ng Oktubre 2024 ang BRP Cabra (MRRV-4409) mula Port Area, Manila papuntang Bicol para maghatid ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong #KristinePH.
Natulong-tulong ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa pag-load ng kahong-kahong food packs, bigas, purified drinking water, canned goods, noodles at kape sa barko.
Ang relief transport mission ng PCG ay alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan PCG, na gamitin lahat ng assets at resources ng PCG para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng nagdaang kalamidad.
Inaasahang darating ang BRP Cabra (MRRV-4409) sa Pasacao Port bukas ng umaga ika-27 ng Oktubre 2024.