Humigit-kumulang 6.8 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng mga otoridad sa Matnog Port, Sorsogon, kahapon, ika-23 ng Disyembre 2024.
Sa tulong ng isang Philippine Coast Guard (PCG) K9 dog, natagpuan ang isang kilong kontrobando sa kasagsagan ng routine inspection sa nasabing pantalan.
Bahagi ito ng mas pinaigting na operasyon sa pagpapatuloy ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024 na pinangungunahan ng Department of Transportation (DOTr).
Agad na nakipagtulungan ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Ports Authority (PPA) sa pagsasagawa ng inisyal na imbestigasyon upang mahuli ang mga suspek sa likod ng insidente.
KARAGDAGANG IMPORMASYON: https://www.facebook.com/share/p/1JyWcBHWrP/