MENU

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, matagumpay na naihatid ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang mahigit 14,000 na kahon ng Family Food Packs (FFP) mula sa Department of Social Welfare and Development - DSWD sa Batanes kahapon, ika-20 ng Marso 2025.

Ang nasabing family food packs ay nanggaling mula sa South Harbor, Manila at ibiniyahe noong ika-18 ng Marso 2025.

Sa pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Navy (PN), Philippine Navy Marines, Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Unit (LGU) DSWD kasama ang mga lokal na mga residente sa Batanes, sabay-sabay nilang diniskarga ang mga nasabing FFP.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng programang β€œBagong Pilipinas” na naglalayong tiyakin ang paghahanda ng bansa sa lahat ng sakuna.

Most Read