MENU

Isang dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) kasunod ng reklamo mula sa tatlong aplikante ng PCG.

Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila na siguradong makakapasok sa organisasyon, kapalit ng β‚±350,000 kada aplikante.

Naganap ang entrapment operation sa Sampaloc, Maynila, bandang 8:20PM kahapon, ika-22 ng Mayo 2025.

Inaresto ang dating PDEA agent na kinilalang si Mr. Morris Javier Ladjaanang.

Nananatili sa Camp Crame ang naturang suspek na haharap sa mga kasong β€œqualified estafa” at β€œusurpation of authority.”

Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan PCG, nagpapatuloy ang masusing koordinasyon ng PCG sa PNP tungo sa pagtataguyod ng malinis at maayos na β€œnationwide recruitment process” ng organisasyon.

Sa mga nais mag-report ukol sa katulad na krimen, maaaring mag-text o tumawag sa Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) Grievance Desk gamit ang alinman sa mga sumusunod na numero: 0929-314-1684, 0930-965-3132, 0915-096-6183, o 0962-881-0491 para sa agarang aksyon.

Most Read