Kaisa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdiriwang ng National Flag Day ngayong araw, ika-28 ng Mayo 2025.
Bahagi ito ng patuloy na suporta ng PCG sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-alabin ang damdaming makabayan at itaguyod ang diwang maka-Pilipino sa puso ng bawat mamamayan.
Ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang National Flag Day bilang pagbibigay-pugay sa Pambansang Watawat na sagisag ng kasarinlan ng bansa at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas!