Nananatiling naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG), alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan PCG, upang mapanatili ang kaligtasan sa karagatan at seguridad ng taumbayan ngayong tag-ulan.
Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., 24/7 ang koordinasyon ng PCG sa mga katuwang na ahensya, partikular sa pagbabantay sa kondisyon ng karagatan sa mga rehiyong apektado ng Habagat, kabilang ang Northeastern Luzon, Northwestern Luzon, at Southern Tagalog.
Liban sa pagpapatrolya, nakikipag-ugnayan din ang mga Coast Guard personnel sa mga mangingisda at mga residenteng nakatira malapit sa baybayin upang agad na makalikas, sa oras na ipag-utos ng lokal na pamahalaan.
Naka-alerto pa rin ang mga Deployable Response Groups (DRGs) ng PCG na katuwang sa pagsisiguro sa kaligtasan ng mga residente tuwing may malawakang pagbaha.
Sa pinakahuling ulat ng PCG Command Center, nananatiling normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng pantalan sa bansa.
Kasabay ng tuluy-tuloy na biyahe ng mga pasahero sakay ng barko, asahan ang mas mahigpit na pag-iinspeksyon upang maiwasan ang βoverloadingβ at maitaguyod ang ligtas na pagtawid sa karagatan ngayong panahon ng tag-ulan.