MENU

Humigit-kumulang 60 residente ng Metro Manila ang inilikas ng Philippine Coast GuardΒ (PCG) sa kasagsagan ng malakas na ulan at mabilis na pagtaas ng baha kagabi hanggang kaninang umaga, ika-22 ng Hulyo 2025.

Kuha ang mga larawang ito sa Dalandanan, Valenzuela, kung saan kabilang sa mga sinagip ng mga PCG rescuers ay mga kabataan, buntis, at senior citizen na sumasailalim sa dialysis.

Inihatid sila sa pinakamalapit na evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Liban sa Valenzuela, sinuportahan din ng PCG ang mga isinagawang evacuation ng lokal na pamahalaan sa Quezon City, Caloocan, Marikina, at San Juan.

Β 

Β 

Β 

Most Read