MENU

Tumulong ang Philippine Coast GuardΒ (PCG) sa paglikas ng ilang residente sa Rizal sa kasagsagan ng ulan at baha kagabi, ika-21 ng Hulyo 2025.

Base sa tala ng PCG Command Center, umabot sa 30 residente ng Cainta, Montalban, at San Mateo ang inihatid ng mga PCG rescuers sa evacuation center upang makatanggap ng karampatang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Ngayong araw, ika-22 ng Hulyo 2025, nananatiling naka-antabay ang tatlong PCG deployable response groups (DRGs) sa Rizal, sakaling kailanganin na magsagawa ng pre-emptive evacuation o rescue operation sa mga susunod na oras.

Β 

Most Read