Tutulong sa mga stranded na residente ng Apalit, Pampanga, ang mga Philippine Coast GuardΒ (PCG) rescuers na ito ngayong tanghali, ika-23 ng Hulyo 2025.
Isinagawa ang deployment matapos makipag-koordinasyon ng PCG sa mga lokal na pamahalaan ng Pampanga na apektado ng tuluy-tuloy na ulan at baha tulad ng Masanto, Macabebe, San Simon, at Apalit.
Samantala, naka-antabay naman ang ilan pang deployable response groups (DRGs) ng PCG upang agad na makapagbigay suporta sa LGU sa pagsasagawa ng evacuation o rescue operation.
Β