MENU

Tatlong pamilya ang maingat na inilikas ng mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Angatel, Urbiztondo, Pangasinan, ngayong araw, ika-24 ng Hulyo 2025.

Kinarga ng mga rescuers ang ilang kabataan, habang isinakay naman sa rescue boat ang iba pa dahil sa abot-hita baha sa kanilang lugar.

Inilikas din ang mga senior citizens na nangangailangan ng tulong-medikal mula sa lokal na pamahalaan.

Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang koordinasyon ng PCG sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Urbiztondo upang agad na makapagsagawa ng forced evacuation iba pang bahaing barangay sa munisipalidad.

https://www.facebook.com/share/v/1725rpFmaF/

Β 

Most Read