MENU

Sa operasyong isinagawa ng Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, matagumpay na isinagawa ang isang pre-emptive evacuation sa tatlong sitio ng Barangay Bucayao, Calapan City, Oriental Mindoro, noong ika-24 ng Hulyo 2025.

Bilang isa sa mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers na nakibahagi sa nasabing operasyon, nagpakita si Lieutenant Junior Grade (LTJG) Abigail Calibuso PCG ng katapangan, sa gitna ng malakas na ulan at malawakang pagbaha.

Bilang isang babaeng Coast Guard, ipinamalas niya ang kanyang kahandaan, kahusayan, at pagseserbisyo sa bayanβ€”patunay na kahit sino, anuman ang kasarian, ay may kakayahang maglingkod sa kapwa Pilipino.

Β 

Most Read