MENU

Pinarangalan ng Philippine Coast GuardΒ (PCG) ang mga opisyal at crew ng BRP Suluan (MRRV-4406) dahil sa kanilang natatanging serbisyo sa gitna ng mapanganib na misyon sa katubigan ng Bajo de Masinloc, Zambales.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapangalagaan ang karagatang sakop ng bansa at matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na kabayanihan ng mga tauhan ng PCG na handang magsakripisyo at mag-alay ng serbisyo para sa seguridad at kaligtasan ng ating karagatan.

Β 

Most Read