MENU

Maingat na isinakay ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) ang 20 fiberglass boat mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) - Region VIII para sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay sa Bicol region.

Dagdag ito sa 50 fiberglass boat na unang inihatid sa rehiyon noong ika-20 ng Nobyembre 2020.

Liban sa mga bangka, lulan rin ng BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) ang kahung-kahong relief supplies na nakalap ng Coast Guard District Eastern Visayas mula sa mga pribadong indibiduwal at organisasyon.

Mula Tacloban Port sa Leyte, bibiyahe ang barko ng humigit-kumulang 27 na oras papuntang Tabaco Port sa Albay kung saan tatanggapin ng BFAR - Region V ang mga bangka para maipamahagi sa mga sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Rolly. #BangonBicol

Most Read