Isa ang mag-buddy na sina Lieutenant Carina Dayondon at Coast Guard Working Dog (CGWD) Kendry sa nagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa mga istasyon ng tren sa Maynila araw-araw.
Inisiyatibo ito ng Coast Guard K9 Force para makatulong sa Department of Transportation - Philippines (DOTr) na layong makapagbigay ng komportableng pampublikong transportasyon sa mga Pilipino.
Pero kwento ni LT Dayondon, hindi lamang pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ang nagagawa ni CGWD Kendry para sa mga pasahero.
Nakapagbibigay rin siya ng ngiti, lalo na sa mga pasaherong naaalala si Fulgoso, ang alagang aso ni Marimar, tuwing napapatitig sa mga mata ni CGWD Kendry.
Β
Β