Nagpakitang gilas ang Philippine Coast Guard (PCG) sa operasyon kontra terorismo, pagresponde sa insidente ng sunog sa barko, at paglunsad ng search and rescue (SAR) at aeromedical evacuation sa isinagawang capability demonstration sa Manila Bay noong ika-03 ng Disyembre 2020.
Pinangunahan ni Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang naturang aktibidad. Naganap ito matapos ang kanyang pormal na panunumpa bilang miyembro ng PCG Auxiliary Executive Squadron.
"Iba na ang Philippine Coast Guard ngayon and I know and I can feel that it is because of your patriotism, compassion, and fear of God that you are able to perform far and beyond what is expected of you," ayon kay Secretary Tugade.
"PCG β Patriotism, Compassion, God-fearing. Eto 'ho yung Philippine Coast Guard na gusto kong saniban. Eto βho yung kadahilanan kung bakit nandidito kami ngayon," dagdag pa ng Kalihim.
Hindi rin pinalampas ni Secretary Tugade ang araw na ito para personal na kilalanin at pasalamatan ang mga magigiting na Coast Guard rescuer na nagbuwis ng buhay para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong naging biktima ng mga nagdaang kalamidad.