MENU

Ito ang hiling ng Philippine Coast Guard (PCG) sa libu-libong overseas Filipino worker (OFW) na umuuwi ng bansa ilang araw bago ang kapaskuhan.

At dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19, sinisiguro ng mga PCG frontline personnel na naitataguyod ang kalusugan ng mga OFW para sa ligtas na pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.

Kaya naman simula sa paglapag ng eroplano hanggang sa pag-checkout sa quarantine hotel, puspusan ang pagbabantay ng mga PCG frontline personnel sa mga OFW, partikular sa pagpapatupad ang safety protocol.

Katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno na nagtutulung-tulong sa malawakang repatriation, makakaasa ang ating mga kababayan sa pagpapatuloy ng serbisyo publikong mula sa puso, para sa bayan!

Most Read