MENU

Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas ang KABAYANIHANG ipinamalas ng kapitan at mga tripulante ng MV Eduardo Uno na naging daan sa PAGLILIGTAS NG SIYAM NA MANGINGISDA sa katubigan ng Caluya Island, Antique noong ika-02 ng Disyembre 2020.

Tumaob ang naturang bangka dahil sa malakas na alon na tumama rito sa kalagitnaan ng pangingisda.

Nang matanggap ang report, agad na nakipag-koordinasyon ang PCG sa lahat ng mga barkong malapit sa pinagganapan ng insidente β€” kabilang ang MV Eduardo Uno.

Pagkatapos ng maingat na rescue operation, nagpahatid ng mensahe ang kapitan ng MV Eduardo Uno sa PCG para mabigyan ng karampatang tulong medikal ang mga mangingisda na ligtas na nakauwi sa kani-kanilang pamilya sa probinsya ng Cebu.

Ang matagumpay na pagtutulungan ng PCG at MV Eduardo Uno ay patunay na ang pagpapanatili ng kaligtasan sa karagatan ay responsibilidad, hindi lamang ng gobyerno, kundi ng lahat ng organisasyon at indibiduwal na bahagi ng industriyang maritima.

Most Read