MENU

Si Seaman First Class (SN1) Roy Christopher Ronquillo Orillaneda ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Surigao del Norte.

Noong ika-12 ng Enero 2021, kinilala ng Health & Safety Solutions Corporation at ginawaran ng "THE LIFESAVER AWARD" dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa isang batang nalunod sa Surigao noong ika-02 ng Hunyo 2019.

Kahit pa off-duty at nagbabakasyon kasama ang pamilya, pinrayoridad ni SN1 Orillaneda ang tawag ng tungkulin at agad na isinailalim sa CPR ang nag-aagaw-buhay na bata habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya.

"Malaking tulong yung mga training at experience ko sa Coast Guard para maging instrumento ako sa pagliligtas sa isang batang nag-aagaw-buhay, sa tulong ng Poong Maykapal," ayon kay SN1 Orillaneda.

"Para sa akin, tuwing nagsasagawa ako ng CPR, mahalaga yung C-ARE AND P-ASSION TO R-EVIVE THE LIFE OF THE VICTIM," dagdag pa niya.

Isa si SN1 Orillaneda sa mga Coast Guardian na patuloy na isinasabuhay ang sinumpaang tungkulin na maglilingkod nang may pagpapakumbaba at pagmamalasakit sa kapwa.

Patunay si SN1 Orillaneda na magtatagumpay ang sinumang naglilingkod na may takot sa Diyos, pagmamahal sa bayan, at pagkalinga sa kapwa Pilipino.

Most Read