MENU

Ngayong araw, ika-26 ng Enero 2021, pormal na tinurn-over ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Interagency Council for Traffic (IACT) ang karagdagang 39 na Coast Guard personnel na kabilang sa 463 recruit (CGMC Class 79) na nakatapos ng Basic Coast Guardsman Training Course sa PCG Regional Training Center sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Oktubre 2020.

Sa pangunguna ni IACT Chief, Assistant Secretary Manuel S Gonzales at suporta ni PCG Deputy Commandant for Operations, Vice Admiral Leopoldo V Laroya, inihanda ang mga bagong miyembro ng PCG sa kanilang deployment bilang katuwang ng IACT, Land Transportation Office (LTO), at Philippine National Police - Highway Patrol Group (PNP - HPG) sa pagpapatupad ng mga batas trapiko para sa kaligtasan ng mga motorista atΒ  biyahero araw-araw.

"Marahil naiisip ninyo: Coast Guard kami, bakit kami magseserbisyo sa kalsada? Mind you, men in uniform work in all kinds of environment. We, at the armed services, are one being. There are a lot of challenges and temptations that you will face once you are deployed, but I am confident that you will overcome them," pagdidiin ni Asec. Gonzales.

Dagdag pa rito, hinikayat ng IACT Chief ang mga bagong kinatawan ng konseho na isabuhay ang 'core values' ng IACT β€” Integrity, Authority, Commitment, at Team Work.

"Bago kayo sumabak sa operasyon, ihahanda namin kayo. You will be trained and introduced to road regulations and policies. Sa oras na ma-deploy kayo, maraming mag-a-alok sa inyo ng pera. But I tell you, stay true to the value of integrity for this is a crucial obligation of every member of the Council," paliwanag niya.

Liban kina Asec. Gonzales at VADM Laroya, nakibahagi rin sa turn-over ceremony sila VADM Oscar C Endona ng Coast Guard Maritime Security Command, Deputy Director Roberto A. Valera ng LTO Field Enforcement Division, at Police Lieutenant Colonel Kimberly E Molitas ng PNP - HPG.

Most Read