Muling pinatunayan ni Apprentice Seaman (ASN) Jefferson Cayabo na ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ay naglilingkod nang tapat at may malasakit sa kapwa!
Kaninang madaling araw, ika-11 ng Pebrero 2021, natagpuan ni ASN Cayabo ang wallet ng isang Japanese national mula Narita, Japan habang naka-duty sa NAIA Terminal 1.
Nang suriin ang wallet, napag-alaman na liban sa personal card, may laman din itong 115,000 Japanese yen o humigit-kumulang 53,000 pesos.
Agad na tinurnover ni ASN Cayabo ang wallet sa Manila International Airport Authority (MIAA) Lost and Found para maibalik sa may-ari na naka-mandatory quarantine sa isang isolation hotel sa Metro Manila.
BRAVO ZULU, ASN CAYABO! Nawa'y magsilbing inspirasyon sa mga miyembro ng serbisyo ang iyong katapatan sa kapwa, anuman ang kanilang nasyonalidad.