Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 90 piraso ng giant clam shell sa El Nido, Palawan noong ika-06 ng Pebrero 2021.
Matapos matanggap ang report mula sa isang concerned citizen, agad na hinalughog ng Coast Guard Station El Nido ang Sitio Buluang, Barangay Sibaltan sa El Nido kung saan natagpuan ang mga giant clam shell na naka-camouflage sa mga dahon at sanga ng puno.
Nakipag-koordinasyon din ang PCG sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa karagdagang pagsusuri at imbestigasyon sa insidente.
Panandaliang pinangalagaan ng PCG ang mga nakumpiskang giant clam shell bago tuluyang tinurnover sa DENR at PCSD.
Base sa Republic Act 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998, ang sinumang mapapatunayan na iligal na kumukuha ng giant clam o taklobo na itinuturing na isang 'endangered species' ay pagmumultahin ng hanggang tatlong milyong piso at maaaring makulong ng hanggang walong taon.