Namahagi ng relief supplies ang Philippine Coast Guard (PCG) Station Western Leyte, kasabay ng maritime security patrol at information dissemination tungkol sa Safety, Security, and Environmental Numbering (SSEN) System sa Ormoc Bay kahapon, ika-16 ng Pebrero 2021.
Ang bawat isang relief pack ay naglalaman ng bigas, canned goods, at instant noodles.
Humigit-kumulang 30 mangingisda ang nakatanggap ng tulong mula sa pinagsama-samang kontribusyon ng PCG Station Western Leyte bilang suporta sa mga Pilipinong patuloy na nagtatrabaho para sa pamilya sa kabila ng pagsubok na dulot ng pandemya.