Katuwang ng Department of TransportationΒ (DOTr) ang Philippine Coast GuardΒ (PCG) sa pagbibigay ng LIBRENG SAKAY sa kasagsagan ng sama ng panahon sa National Capital Region (NCR) ngayong araw, ika-21 ng Hulyo 2025.
Ayon kay DOTr Secretary Vivencio Dizon, layon nitong matulungan ang mga komyuter na stranded dahil sa baha, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Liban sa PCG, nag-deploy din ng mga sasakyan ang Philippine Ports AuthorityΒ (PPA).
Nagsimula kaninang 12NN ang LIBRENG SAKAY mula Quiapo hanggang Angono, Rizal; Quiapo hanggang Fairview, Quezon City; at Lawton hanggang Alabang, Muntinlupa City.
Dagdag pa ng DOTr, maaasahan ng mga mananakay ang karagdagang serbisyo mula sa pamahalaan upang maibsan ang kanilang paghihirap sa pagbiyahe ngayong tag-ulan.
Β