MENU

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng nagdaang Bagyong #CrisingPHΒ at ulan na dala ng hanging Habagat, nagpadala ng mga sasakyan ang Philippine Coast GuardΒ (PCG) upang makatulong sa mga kababayan nating na stranded ngayong araw, ika-21 ng Hulyo 2025.

Ang libreng sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan na naaapektuhan ng masamang panahon.

Sa kasalukuyan, dalawang multi-purpose vehicles, dalawang PCG buses, dalawang coaster buses, dalawang boom trucks, dalawang M35 trucks, at isang ambulance ang nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan na naantala ang byahe.

Ang mga sasakyang ito ay babiyahe mula:

Quiapo - Angono (Rizal)

Quiapo - Fairview

Lawton - Alabang

Ang PCG ay patuloy na sisiguraduhin ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino.

Β 

Most Read