MENU

Inilikas ng Philippine Coast GuardΒ (PCG) ang mga kabataan at senior citizen na nakatira sa mga binahang komunidad sa Masanto, Macabebe, San Simon, at Apalit, Pampanga, kahapon, ika-22 ng Hulyo 2025.

Abot-bewang ang baha, partikular sa Barangay Paligui (Apalit) at Barangay Consuelo (Macabebe).

Ngayong araw, ika-23 ng Hulyo 2025, patuloy na binabantayan ng PCG ang sitwasyon sa mga nabanggit na munisipalidad upang agad na makapagbigay ng kinakailangang suporta sa mga residente.

Β 

Most Read