MENU

Lubos na nagpasalamat ang mga komyuters na naserbisyuhan ng libreng sakay ng Philippine Coast GuardΒ (PCG) mula Quiapo, Maynila, hanggang Fairview, Quezon City, ngayong umaga, ika-23 ng Hulyo 2025.

Tuwing umuulan na nagiging sanhi ng pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, mas humihirap ang paggamit ng pampublikong transportasyon.

Kaya naman gamit ang mga PCG buses, buong araw na magbibigay ng libreng sakay ang PCG, katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA), upang maging mas komportable ang biyahe ng ating mga kababayan.

Ingat!

Β 

Most Read