MENU
Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa Barangay Bucayao, Calapan City, Oriental Mindoro, kahapon, ika-23 ng Hulyo 2025.
Humigit-kumulang 40 residente ang isinakay sa rescue boat at inihatid sa evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Ngayong Huwebes, ika-24 ng Hulyo 2025, patuloy ang koordinasyon ng Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente ngayong tag-ulan.

Most Read