MENU

Umabot na sa humigit kumulang 3,000 komyuters ang naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng Department of Transportation - PhilippinesΒ (DOTr), Philippine Coast GuardΒ (PCG), at Philippine Ports AuthorityΒ (PPA) simula Lunes, ika-21 ng Hulyo 2025.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na tulungan ang mga mananakay na hirap sa pagbiyahe dahil sa patuloy na ulan at pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ngayong Huwebes, ika-24 ng Hulyo 2025, asahan ang patuloy na serbisyo ng mga Coast Guard buses sa mga rutang Quiapo-Fairview, Quiapo-Angono, Legarda-Angono, Lawton-Alabang, at Roxas Boulevard-Sucat.

Ingat!

Β 

Most Read